Ang aking masasabi tungkol sa pagbaba ng kalidad mg edukasyon sa Pilipinas ay dahil hindi pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang edukasyon, hindi binibigyan ng sapat na suportang pinansyal ito. Hindi ang dahilan ang mga guro dahil sa pagbaba ng edukasyon. Ang katotohanan nito marami tayong magagaling na mga guro sa Pilipinas kaya lamang ay hindi sila na bibigyan ng tamang pagpapasahod, dahil sa ganitong kadahilan ay maraming guro ang nangigngibang bansa dahil sa liit ng sweldo nila.
At isa pang nagiging dahilan ay ang kakulangan ng fasilidad ng ng mga paaralan sa ating bansa gaya ng: ang kakulangan sa mga libro, mga upuan at ang kaukulangan sa mga sili-aralan
Bigyan ng sapat na suporta ng pamahalaan ang ating edukasyon upang maging mataas ang kalidad nito.Kinakailangan para maging maunlad ang ating bansa kinakailangan magkaroon ng pinag-aralan ang bawat mamamayan, nang sa gayon ay magkaroon ng marangal na trabaho.
Ang edukado at mabuting mamamayan ay kayaman ng ating bansa .

>MAY IBAT-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT BUMABABA ANG KALIDAD NG EDUKASYON SA PILIPINAS<
Kapos nga kung maituturing ang mga guro dito sa atin, ano ang dahilan? dahil sa mababang sahod. Hindi ba’t dapat sila ang magkaroon ng mataas na sahod? dahil kung hindi sa kanila, wla rin tayong mga nurse, engineers at iba pa.
Kailan ba mauunawaan ng gobyerno ang problemang ito? At ngayon magdadagdag sila ng taon sa elementarya at ang grade 7 ay magkakaroon ng asignatura na dapat ay pang highschool pa, aba’y nakakasigurado ba tayo na matuturuan ng tama ang mga estudyante?
-KAKULANGAN SA MGA SILID-ARALAN.
At ngayon na nadagdagan ang taon, ibig sabihin ay marami na namang mga bata at estudyante ang nagtitiis sa gym na nahahati ng green board at ginagawang classroom. Hindi ba’t maigay ang ganitong sitwasyon? Wala pa rig patutunguhan ang ganito dahil paano matututo ang mga bata kung hidi sila natututukan? Habang ang mga estudytante ng karatig bansa ay nakakapag-aral ng mabuti sa kanilang silid aralan, kaya naman pala.
*********
CHED, DepEd pinakikilos sa kakapusan ng libro sa pasukan
MANILA – Kinalampag ng isang senador ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (Ched) sa problema pa rin ng kakapusan ng libro sa mga paaralan na nakasasagabal sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Sen Edgardo Angara, pangunahin ang kakulangan ng libro kaya bumabagsak ang kalagayan ng edukasyon sa bansa na sagabal din sa pagpapayaman sa sektor ng lakas-paggawa.
Ayon kay Angara, chairman ng Congressional Commission on Science and Technology and Engineering (COMSTE), na kailangang lutasin sa lalong madaling panahon ng mga nasa kinauukulan ang problema para mabigyan ng matinong edukasyon ang mga bata sa mga pampublikong paaralan.
Batay umano sa ulat ng Commission on Audit noong 2008, mahigit P6 milyong halaga ng mga libro ang nasayang at hindi nagamit sa Central Visayas, at mahigit isang milyong textbooks pa ang naibasura noong 2007 sa nasabi ring rehiyon na umaabot sa mahigit P50 milyon ang halaga.
Bilang isa sa mga tagapagsulong ng edukasyon sa bansa, sinabi ng senador na magiging prayoridad niya ang magkaroon ng sapat o higit pang mga aklat sa paaralan. Nitong mga nakalipas na buwan, nagsagawa ng book donation projects ang senador sa lalawigan nito sa Aurora
Umaasa siyang makikiisa ang DepEd sa kanyang mga programa sa pamamagitan ng book donations isa ibat-ibang lalawigan ng Pilipinas.
Sa ulat ng READ Philippines, sektor na nagsusulong sa edukasyon, karamihan sa mga hindi nakapag-aaral sa bansa ay ang mga naninirahan sa kanayunan. Una sa mga dahilan ang kakulangan sa mga gamit pampaaralan, kakulangan sa silid-aralan, guro at libro.
Maging ang mga donasyong mula sa ibayong dagat ay hindi rin nakararating sa mga mas nangangailangang mag-aaral sa mga lalawigan, ayon sa pahayag ni Angara.
Ang mga librong donasyon mula sa ibang bansa ay pinipili muna pagdating sa Metro Manila kaya iilan na lamang at napagpilian na ang nakararating sa mga kanayunan at lalawigan.
“Responsibilidad ng gobyerno na palakasin ang sistemang pang edukasyon sa Pilipinas. Isa ito sa mga kritikal na suliraning dapat unahin ng bagong administrasyon," pahayag ni Angara. -